Ano ang kahulugan ng Denotatibo At Konotatibo?
Denotatibo At Konotatibo – Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng kahulugan ng denotatibo at mga halimbawa, pati na rin ang kahulugan at halimbawa ng konotatibo.
Ang denotatibong ay tumutukoy sa mga salita ay ang literal na kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo. Kabaliktaran naman nito ang konotatibo na tumutukoy sa mga salitang may patago na kahulugan.
May mga salita na may literal na kahulugan ngunit maaaring ibang kahulugan ito depende sa paggamit sa isang pangungusap. Katulad ng salitang ahas na maaaring mangahulugang isang uri ng hayop ngunit sa ibang paraan, maaaring magamit ito na may ibang kahulugan.
Narito ang ilang halimbawa ng mga salita na literal na kahulugan at di literal.
AHAS – (Denotatibo) Isang uri ng hayop na walang paa at gumagapang
(Konotatibo) Taong binigyan mo ng tiwala ngunit ika’y trinaidor.
HALIGI – (D) Nagsisilbing pundasyon ng mga bahay at gusali
(K) Naglalarawan ito sa mga Ama ng tahanan.
PUTIK – (D) Basang lupa, kadalasang nakikita pagkatapos ng malakas na ulan
(K) Mga mahihirap at naghihikahos sa buhay o tawag sa mga mahihirap.
APOY – (D) Isang elementong mainit at ginagamit upang mag luto o sa industriya
(K) Naglalarawan sa matinding damdamin tungo sa isang tao, bagay, o pangyayari.
LEON – (D) Isang hayop na makikita sa kagubatan, malakas at malaki
(K) Naglalarawan sa taong matapang at walang inuurungan.
MAKITID – (D) Naglalarwan sa isang masikip na daanan o espasyo
(K) Tawag sa taong hindi “open minded”. Sila rin ang mga taong madaling mang husga.
BATO – (D) Isang natural na bagay na makikita kahit saan.
(K) Naglalarawan sa mga taong may matitigas na damdamin.
MAHANGIN – (D) Tumutukoy sa malakas na ihip ng hangin.
(K) Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo.
MALALIM – (D) Kung ano ka lalim or gaano kalalim ang isang bagay
(K) Naglararawan sa taong maraming iniisip tungkol sa mga problema ng lipunan
Basahin din: Lokomotor at Di Lokomotor: Kahulugan At Mga Halimbawa