Elemento Ng Balagtasan: Iba’t-Ibang Uri At Kahulugan

Ano ang elemento ng balagtasan?

Elemento Ng Balagtasan – Ang artikulong ito ang nagtatalakay ng iba’t-ibang uring elemento mayroon ang balagtasan at ang mga kahulugan.

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig na ukol sa isang paksa. Kadalasan, ito ay ginawa sa taladtad. Dalawang panig ang magtatalo at may isang tagapamagitan na lakandiwa kung lalaki, o lakambini kung babae. Ang mga hurado ang magdedesisyon kung sino ang mananalo.

Ang terminong balagtasan ay mula sa pangalan ni Francisco Balagtas o kilala rin sa boung pangalan niya na si Francisco Baltazar y de la Cruz o Francisco Baltazar, na may likha ng mga tulang naging bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas.

elemento ng balagtasan

May apat na elemento ang balagtasan.

Tauhan
Lakandiwa Lakambini – ang tagapamagitan sa dalawang mambabalagtas sa pamamagitan ng tulaa
Mambabalagtas – ang mga kalahok sa karaniwang sinusulat ng pyesa balagtasan. Sila rin ang mga taong nakikipagbalagtasan.
Manonood – ang mga tagapakinig sa pagtatangal ng balagtasan. Nasusukat ang kahusayan ng mambabalagtas sa reaksyon ng mga manonood.

Paksa – ang bagay na pinag-uusapan, tinatalakay ng dalawang panig o ang kanilang pinagtatalunan
Politika – ang topiko ay tungkol sa kapangyarihan at mga tagapangasiwa ng pamahalaan
Pag-ibig – ang pinakamakapangyarihang at dakilang damdaming nag-uugnay sa mga tao.
Karaniwang Bagay – mga bagay sa paligid
Kalikasan – ang mga bagay na nasa daigdig
Lipunan – ang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang partikular na lugar
Kagandahang-asal – ang mga ugaling kayganda-ganda.

Pinagkaugalian
Sukat: ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
Tugma: ang pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan
Tugmang Ganap
– Tugmang Di-ganap
Indayog: tono kung paano binibigkas ang mga taludturan.

Mensahe – ito ang ideya o isipin at damdaming nais iparating sa mga katagang sasabihin, teksto o akda

Leave a Comment