Ano Ang Mga Elemento Ng Pabula? (Sagot)
PABULA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang iba’t-ibang elemento ng mga pabula at ang mga halimbawa nito na makikita sa mga kwento.
Una sa lahat, ano ang pabula? – Ang Pabula ay isang kwento kung saan ang mga hayop ay gumaganap ng mga tauhan sa kwento. Kung titignan natin, pambata lamang ang mga kwentong ito. Subalit, may mga mahahalgang mensahe na ipinapahiwatig ang isang pabula.
Ang uri ng kwentong ito ay may apat na pangunahing elemento:
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Aral
TAUHAN – Sa isang pabula, ang mga tauhan ay hindi mga tao kundi mga hayop. Ngunit, kahit mga hayop ang mga tauhan, ang mga problema at aral sa namakukuha rito ay maaring maisasalamin sa totoong buhay.
TAGPUAN – ito ang naglalarawan sa lugar o pook na kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa pabula. Ito ay may dalawang uri, payak at pahiwatig.
BANGHAY – Ang banghay ay naglalarawan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ito ay mayroong simula, gitna at wakas.
ARAL – Lahat ng kwento ay may aral na makukuha. Kadalasan sa isang pabula, makikita natin ang masasamang epekto ng mga desisyon ng kontrabida at kung paano na-iba ang mga pangunahing tauhan sa kwento.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Paano Magpahayag Ng Damdamin – Halimbawa At Paliwanag