Ano Nga Ba Ang Epekto Ng Merkantilismo? (Sagot)
MERKANTILISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang nga ba ang epekto ng merkantilismo at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, kailangan nating bigyang depinisyon ang salitang Merkantilismo. Ayon sa isang artikulo galing sa Philnews, ang Merkantilismo ay namayaning kaisipang pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa buong daigdig noong unang panahon.
Isa sa mga halimbawa ng epekto ng kaisipang ito ay ating makikita sa bansang France. Dito, sinimulan ng taong kinlalang si JEAN BAPTISTE COLBERT ang merkantilismo. Dahil sa kanya, umunlad ang bansang France.
Sinasabi ng merkantilismo na ang ginto at pilak ang nagiging batayan at susi sa pagsasakatuparan sa mga hinahangad at adhikain ng isang bansa. Heto ang mga halimbawa ng bansang gumagamit ng merkantilismo sa sinaunang panahon:
- France
- Great Britain
- Netherlands
- Russia
- Spain
Bukod rito, marami ring epekto ito katulad ng:
- Pagpapalakas sa bansang nananakop katulad lamang ng Portugal na yumaman dahil sa kalakalan ng mga alipin mula sa bansang Africa at mga pampalasa mula sa asya.
- Nagbunsod rin ito ng agawan sa pagitan ng mga kolonya
- Pagtataas ng butaw, o halagang binabayaran upang makabilang o makasapi sa isang organisasyon
- Lumakas din ang pagi-importa ng mga produktong galing sa ibang bansa
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Imperyalismo – Kahulugan At Halimbawa Nito