Ano Ang Mga Epekto Ng Sugal Sa Sarili? (Sagot)
EPEKTO NG SUGAL – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga epekto ng sugal sa ating mga sarili at ang mga halimbawa nito.
Ang pagsusugal ay madaling maging bisyo na mahirap nang tanggihan. Kaya, marami itong masasamang epekto sa ating mga sarili.
Ayon naman sa isang artikulo galing sa Get Gambling Facts, ang pagsusugal ay nakaka apekto sa pitong aspeto ng ating buhay:
- Pinansiyal
- Legal
- Trabaho o Pinagkakakitaan (Employment)
- Kalusugang Pisikal (Physical Health)
- Mga Relasyon sa Ibang Tao
- Kalusugan ng Isip (Mental Health)
- Edukasyon
Kapag ikaw ay nagsusugal, kadalasang naapektuhan lagi ang iyong pera. Mababaon ka sa utang dahil sa pagkaubos ng inipong pera para isugal. Dahil dito, lalapit ka sa mga nagpapautang na may tubo para lamang ma tustusan ang pagsusugal mo.
Marami sa mga pasugalan ay hindi legal. Kaya naman, malaki ang panganib na baka ma arresto ka ng kapulisan. Bukod rito, maari ka ring gumawa ng hindi legal na gawain para lamang ma tustusan ang iyong pagsusugal.
Sa kalusugan naman, ang negatibong reaksyon mo sa pagkatalo ay mayroong mga epekto sa iyong katawan na negatibo rin. Maari kang hindi maka tulog, panic attacks o takot na hindi mo maipaliwanag, at iba pa. Bukod rito, ang pag-inom at pagsugal ay kadalasang magkasama.
Dahil rin sa pagsusugal, maaring hindi kana magiging produktibo sa iyong trabaho, at mapipilitan ang kompanya mo na pa-alisin ka. Isa rin sa maaring epekto ng pagsusugal ay ang pag-kawala ng relasyon mo sa pamilya mo at ibang tao.
Lalo kang pinapalayo ng sugal sa iyong pamilya dahil mas gusto mo na lamang mag sugal kesa mag-bigay oras sa mga mahal mo sa buhay. At, kung ikaw naman ay estudyante pa lamang, kadalasang hindi kana makakapag pokus sa iyong pag-aaral.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Wika Sa Sarili – Paliwanag At Halimbawa