Ano Ang Mga Halimbawa Ng Estilo Ng Pagsusulat? (Sagot)
ESTILO NG PAGSUSULAT – Sa paksang ito, ating aalamin ang iba’t-ibang halimbawa ng estilo na ginagamit sa pantikan.
Ang larangan ng panitikan ay may malawak na sakop. Kaya, may iba’t-ibang barayti ng pagsusulat tayong makikita. Heto ang mga halimbawa:
- Akademik
- Ito ay ginagamit sa pagsusulat na akademiko para maiangat ang antas ng kaalaman ng mga mababasa.
- Kadalasan, ito ay pormal at napapaloob ang mga plano upang masolusyunan ang mga isyung panlipunan
- Teknikal
- Ito ay uri ng panunulat na ekspositori o nagpapaliwanag.
- Direkta at tiyak ang mga salitang gagamitin at “teknikal” kaya mayroon itong sariling sintax na hindi maiintindihan kung walang konteksto.
- Ito rin ay naglalayong magbigay ng impormasyon o tagubilin.
- Jornalistik
- Ginagamit ng mga peryodista upang maglahad ng pangyayari.
- Obhektibo, direkta at tiyak.
- Profesyonal
- Nakatuon sa tiyak na propesyon kaya maaari itong gumamit ng salita o ekspreyong eksklusibo sa kanilang larangan.
- Malikhain
- Nagbibigay-halaga sa kasiningan.
- Maaaring piksyon o di-piksyon ang akda.
- Gumagamit din ito ng iba’t ibang ekspresyon upang mapayabong ang ideyang nais niyong ipahiwatig.
Ngunit, ang estilo ng pagsusulat ay maaari nating paghiwalayin sa dalawang uri: Istilong Blak at Istilong semi-blak.
Ang istilong blak ay may mga linyang nagsisimula sa kaliwang palugit. Samantala, sa istilong semi black, ang petsa, pangwakasang bati at lagda ay isinusulat sa may kanang palugit ng papel, nakapasok din ang bawat bahagi ng katawan ng liham.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tungkulin Ng Pamilya Sa Edukasyon – Halimbawa At Paliwanag