Ano Ang Mga Gamit Ng Wika Sa Lipunan? (Halimbawa At Kahulugan)
WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang gamit ng wika sa ating lipunan at ang mga halimbawa nito.
Sa ating mga lipunan, ang wika ay isang mahalagang aspeto ng ating pang araw-araw na mga gawain. Bukod rito, ang wika rin ang ating pangunahing instrumento ng komyunikasyon.
Mayroong pito na mahalagang gamit ang wika. Sa ating lipunan, ang wika ay ginagamit sa mga aspeto katulad ng:
Instrumental – ang wika ay ginagamit para makakuha ng tao ang kanyang mga pangangailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.
Halimbawa:
- Pagtukoy sa nais bilhin na bag sa isang mall.
- Pag-order ng karne sa isang meat shop.
Interaksiyonal – Sa isang komunidad, maraming mga tao ang posiblen nating makikila o makakahalubilo. Kaya, kailangan nating pag-aralan kung paano tayo makiisa o makipagkapwa sa kanila.
Halimbawa:
- Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay.
- Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa paaralan.
Personal – Ginagamit ito upang maipahayag ang ating mga saloobin sa lipunang kinabibilangan at sa mga isyung nasa lipunan.
Halimbawa:
- Pagbigay ng sariling opinyon sa isang pulong.
- Pagiging kritikal sa mga isyu sa lipunan.
Regulatori – Dito ang wika ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.
Halimbawa:
- Pag-uutos ng nanay sa kanyang anak na babae.
- Pag-sasalita sa isang debate tungkol sa mga isyung panlipunan.
Heuristic – Ito ang gamit ng wika na palaging makikita sa mga paaralan. Ito ang instrumentong ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.
Halimbawa:
- Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo na unawaan.
- Pagdalo sa isang workshop.
Imahinatibo – Dito, ang tungkulin ng wika ay ang pag gawa ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya. Halimbawa:
- Pagsulat ng kathang-isip.
- Pag gawa ng isang kanta.
Impormatibo – ginagamit ang wika para magbahagi ng kaalaman. Ang halimbawa nito ay ang pag-uulat ng balita. Halimbawa:
- Paguulat ng bagong kalagayan ng Pilipinas laban sa COVID-19.
- Pagbabalita sa radyo o telebisyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kailan Nagsimula Ang Kuwentong Bayan – Paliwanag At Halimbawa