Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salawikain
Halimbawa Ng Salawikain – Ang salawikain ay tinatawag rin na kasabihan at ito ay kakapulutan ng aral para sa maayos na buhay at pakikitungo sa ibang tao.
Ito ay tinatawag rin na kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain na tumutukoy sa mga maiiksing pangungusap na makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng halimbawa ng kasabihan na may aral tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng tao. Narito ang ilang halimbawa ng salawikain.
- Kapag hindi ukol, hindi bubukol.
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Ang tumatakbo ng matulin, pag masusugat ay malalim
- Kapag may isinuksok, may madudukot.
- Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
- Daig ng taong maagap ang taong masipag.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
- Sala sa lamig, sala sa init.
- Ang hindi makuha sa santong dasalan ay daanin na lang sa santong paspasan.
- Huli man at magaling, naihahabol din.
- Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
- Batang puso, madaling marahuyo.
- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
- Ang sakit sa kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.
- Kapag may tiyaga, may nilaga.
- Ang taong tamad kadalasa’y salat.
- Kasali sa pag-aaral ang tamang ugali , pagiging matapat sa lahat ng sandali.
- Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
- Tapusin ang lahat ng kailangan, upang oras ay magiging kayamanan.
- Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
- Habang may buhay, may pag-asa.
- Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.
- Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay kubo, ang nakatira ay tao.
- Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
Basahin din: PANITIKAN: Mga Halimbawa Ng Mga Uring Patula At Tuluyan O Prosa