Ano Ang Mga Halimbawa Ng Pangungusap Na Gumagamit Ng Salitang “Nang”?
PANGUNGUSAP GAMIT ANG NANG – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang “nang”.
Mayroong iba’t-ibang paraan kung paano gamitin ang “nang” sa mga pangungusap. Ito ay ang paggamit ng “nang” sa:
- gitna ng mga pandiwang inuulit
- Sayaw nang sayaw si Eva na parang walang tao sa paligid.
- Iyak nang iyak ang bata dahil iniwan ito ng kanyang magulang.
- pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap
- Tanghali nang dumating si Peter at Pedro sa paaralan. (Tanghali na ng dumating si Peter at Pedro sa Paaralan).
- Sobra nang pagkamasungit ni Hector. (Sobra na ang pagkamasungit ni Hector)
- Hayaan mo nang kunin ni Joeber yung mga instrumento niya (Hayaan mo na na kunin ni Joeber yung mga instrumento niya)
- para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw
- Nag-basa nang tahimik ang magkasintahan.
- Umalis ka nang maaga upang iyong maabutan ang eroplano.
Ito rin ay maaaring gamitin bilang suporta sa pang-abay, pangalan, pang-uri, panghalip. Heto ang mga halimbawa:
- Pang-abay: Ako ay pumunta sa paaralan nang maaga.
- Pangngalan: Si Peter ay nagpastol nang kambing sa kanilang bakuran.
- Pang-uri: Sumigaw nang malakas ang aking mga estudyante.
- Panghalip: Ako ay napaluha nang siya’y kumanta.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Sosyolek Halimbawa At Kahulugan Nito