HEOGRAPIYA: Kahulugan, Sangay At Uri

Ano ang kahuluhan ng Heograpiya?

HEOGRAPIYA – Tatalakayin sa artikulong ito ang kahulugan ng salitang heograpiya, ang mga sangay at ang mga uri ng isang sangay.

Ang terminong ito ay nagmula sa nagsimula sa salitang Griyego na “geo” o daigidig at “graphia” o paglalarawan. Kapag pinagsama ang dalawang termino, ang literal na kahulugan ng salita ay “ang paglalarawan sa daigdig”.

Sa mas malawak ng pagpapaliwanag, ang salitang ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ito rin ang nagpapaliwanag tungkol sa katanungan tungkol sa lokasyon, distribusyon ng tao, lugar sa daigdig, at iba pa. Ang taong nag-aaral sa partikular na aspeto na ito ay tinatawag ng Heograpo.

heograpiya

Mayroon dalawang sangay ng Heograpiya, ang Heograpiyang Pisikal at ang Heograpiyang Pantao at narito ang pagpapaliwanag sa bawat isa.

Heograpiyang Pisikal – Dito malalaman ang mga katangian at prosesong pisikal ng daigdig. Ito ay tinawatag din na geosistema o heosistema. Ang pag-aaral nito ay nakatuon sa mga proseso at mga gawi sa likas na kapaligiran na katulad. Halimbawa nito ay ang pag-aaral ng atmospera, biyospera, at geospera (heospera), na kabaligtaran ng heograpiyang pangtao.

Heograpiyang pantao – Ito ay nakatutok sa kung paano namumuhay ang isang pangkat ng tao sa kanyang pisikal na kapaligiran. Kasama na dito ang pag-aaral ng kanilang kultura at tradisyon. Isa pang paliwag nito ay ang pag-aaral sa mga tao at ang komunidad, kultura, at ekonomiya na kinabibilangan nila at ang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran nito.

Dalawang sangay ng Heograpiyang Pisikal:
– Tiyak na lokasyon: Ito ay ang literal na kinaroroonan, minsan ay binabase sa longitude at latitude.
– Relatibong Lokasyon: Ito naman ay ang pagtukoy ng kinaroroonana gamit ang mga lugar na nakapaligid dito. Maaari itong maging bisinal o insular.

Leave a Comment