Ano ang kahulugan ng hiram na salita?
Ang artikulong ito ay naglalayong talakayin ang kahulugan ng hiram na salita at magbigay ng iba’t ibang halimbawa.
Ang mga salitang ito ay bahagi na ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao, lalo na modernong panahon ngayon. Iba’t-ibang salitang hiram ang ginagamit ng mga Pilipino.
Ang hiram na salita ay nangangahulugang hindi ito likas na mga kataga sa wikang Filipino pero ginagamit sila sa pakikipag-usap, pagsusulat, at ibang uri ng komunikasyon. Sa Filipino, kadalasan na binigyan din ng sariling pagbabaybay ng mga pantig. Sa madalas na pagkakataon, ang mga salitang hiram ay mula sa wikang English at Spanish.
Narito ang ilan sa mga halimbawa at mga salitang banyaga na pinagmulan nila:
- Apelyido – Apellido
- Kwenta – Cuenta
- Siyempre – Siempre
- Pista – Fiesta
- Manika – Muneca
- Tuwalya – Toalla
- Manedyer – Manager
- Kostomer – Customer
- Ketsap – Ketchup
- Iskrin – Screen
- Traysikel – Tricycle
- Hayskul – High School
- Populasyon – Population
- Magasin – Magazine
- Telebisyon – Television
- Basketbol – Basketball
- Babay – Bye-Bye
- Breyk – Break
- Bilib – Believe
- Trapik – Traffic
- Pulis – Police
- Prinsipal – Principal
- Pista – Fiesta
- Kompyuter – Computer
- Iskor – Score
Iba pang halimbawa na ginamit sa pangungusap:
- magasin – May bagong biling magasin ang ate ko na may larawan ng paborito niyang artista.
- telebisyon – Inaabangan ng lola ko ang palabas sa telebisyon na tampok ang beteranong aktor.
- misis – Si Aling Puring ay misis ni Mang Gerardo.
- Tseke – Pinapalitan ni tatay ang tseke na galing sa opisina niya.
- populasyon – Lalong lumalaki ang populasyon sa Pilipinas sa mga nagdaang taon.
- basketbol – Basketbol ang paboritong libangan ng kuya ko at ng mga kaibigan niya.
- Musika – Isang bagay na nagpapasaya sa mga tao ay ang musika.
- keyk – Tatlong keyk ang binili ni nanay para sa kaarawan ng bunso namin.
- edukasyon – Ang edukasyon ay mahalagang batayan ng mga kompanya sa pagtanggap ng mga empleyado.