Hiram Na Salita: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano ang kahulugan ng hiram na salita?

Ang artikulong ito ay naglalayong talakayin ang kahulugan ng hiram na salita at magbigay ng iba’t ibang halimbawa.

Ang mga salitang ito ay bahagi na ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao, lalo na modernong panahon ngayon. Iba’t-ibang salitang hiram ang ginagamit ng mga Pilipino.

Ang hiram na salita ay nangangahulugang hindi ito likas na mga kataga sa wikang Filipino pero ginagamit sila sa pakikipag-usap, pagsusulat, at ibang uri ng komunikasyon. Sa Filipino, kadalasan na binigyan din ng sariling pagbabaybay ng mga pantig. Sa madalas na pagkakataon, ang mga salitang hiram ay mula sa wikang English at Spanish.

hiram na salita

Narito ang ilan sa mga halimbawa at mga salitang banyaga na pinagmulan nila:

  1. Apelyido – Apellido
  2. Kwenta – Cuenta
  3. Siyempre – Siempre
  4. Pista – Fiesta
  5. Manika – Muneca
  6. Tuwalya – Toalla
  7. Manedyer – Manager
  8. Kostomer – Customer
  9. Ketsap – Ketchup
  10. Iskrin – Screen
  11. Traysikel – Tricycle
  12. Hayskul – High School
  13. Populasyon – Population
  14. Magasin – Magazine
  15. Telebisyon – Television
  16. Basketbol – Basketball
  17. Babay – Bye-Bye
  18. Breyk – Break
  19. Bilib – Believe
  20. Trapik – Traffic
  21. Pulis – Police
  22. Prinsipal – Principal
  23. Pista – Fiesta
  24. Kompyuter – Computer
  25. Iskor – Score

Iba pang halimbawa na ginamit sa pangungusap:

  • magasin – May bagong biling magasin ang ate ko na may larawan ng paborito niyang artista.
  • telebisyon – Inaabangan ng lola ko ang palabas sa telebisyon na tampok ang beteranong aktor.
  • misis – Si Aling Puring ay misis ni Mang Gerardo.
  • Tseke – Pinapalitan ni tatay ang tseke na galing sa opisina niya.
  • populasyon – Lalong lumalaki ang populasyon sa Pilipinas sa mga nagdaang taon.
  • basketbol – Basketbol ang paboritong libangan ng kuya ko at ng mga kaibigan niya.
  • Musika – Isang bagay na nagpapasaya sa mga tao ay ang musika.
  • keyk – Tatlong keyk ang binili ni nanay para sa kaarawan ng bunso namin.
  • edukasyon – Ang edukasyon ay mahalagang batayan ng mga kompanya sa pagtanggap ng mga empleyado.

Leave a Comment