Kabutihan Ng Lahat Hindi Ng Nakararami
KABUTIHAN NG LAHAT – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang paliwanag sa kasabihang “kabutihang panlahat hindi kabutihan para sa nakararami”.
Ating tandaan na ang kabutihan ay hindi pwede na para lamang sa nakararami. Sa ating bansa, malaki ang diperensiya ng mga mayayaman at mahihirap. Kung atin lamang iintindihin ang kabutihan para sa nakararmi, kawawa naman ang natitira.
Ang mahalaga dito ang pagbibigay ng parehong oportunidad para sa lahat ng tao na makaahon sa kahirapan. Ito ay ating makakamit sa pamamagitan ng pag bigay ng sapat at mabuting edukasyon na abot kaya ng lahat ng tao.
Kung kabutihang panlahat lamang ang ating pinag-bibigyang pansin, hindi tunay na nakakaahon ang ating bansa. Kaya naman, hindi ito matatawag na “authentic development” o “tunay na pag-unlad”.
Ito’y dahil hindi natin matatawag na tunay na umunlad ang bansa kung marami pa ring tao ang tambak sa kahirapan. Kaya naman dapat kabutihan para sa lahat ng tao ang ating binibigyang pansin at hindi lamang para sa nakararami.
Masasabi rin natin na tunay ang pag-unlad kapag hindi lamang tao ang nabibigyan ng pansin kundi pati rin ang ating inang kalikasan, mga hayop, at ang lahat ng sakop nito. Kapag umunlad nga ang ating bansa pero labis na naaapektuhan sa negatibong paraan ang kalikasan, magdudulot lamang ito ng kasamaan para sa susunod na henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pangungusap Na May Salawikain Halimbawa: 10+ Na Halimbawa