Ano Ang Kahalagahan Ng Eupemistikong Pahayag? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG EUPEMISTIKONG PAHAYAG – Bakit nga ba tayo gumagamit ng eupemistikong pahayag? Ito ang tanong na ating sasagutin sa paksang ito.
Sa Ingles, ito ay “Euphemism”. Kadalasan ang mga salitang ito ay hindi direkta at maraming paikot-ikot o pampalumay para hindi ito masama pakinggan o basahin. Bukod rito, ito rin ay mga bulgar o malaswang salita na sinasalin sa mas katanggap-tanggap na salita.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga eupemistikong pahayag tungkol sa pagkakamatay ng isang tao:
- Sumakabilang-buhay
- Pantay na ang mga paa
- Kinuha ng Diyos
- Yumao
- Pumanaw
Mahalaga itong pag-aralan upang mapagaan natin ang isang sitwasyon. Isa rin sa mga kahalagahan nito ay upang hindi tayo mauto ng ibang tao. Kung sila ay nambabastos gamit ng eupemistikong pahayag, malalaman agad natin.
Ang mga salitang ito ay ating ginagamit para mapagaan ang mga masakit na realidad ng ating mga buhay. Ito’y ginagamit rin para hindi gaano ka sakit ang mga salita na maririg ng isang tao.
Heto ang iba pang mga halimbawa:
- Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
- Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
- Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
- Halang ang Bituka = Masamang Tao
- Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Estilo Ng Pagsusulat Halimbawa At Kahulugan Nito