Ano Ang Kahalagahan Ng Wika Sa Mag-aaral? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG WIKA – Ang wika ang nagsisilbing tulay sa ating pakikipaghalubilo sa ibang tao.
Ito ang nagpaparamdam sa atin ng ating kalayaan dahil malaya na tayong makapagsalita at gumamit ng sarili nating wika. Ito ang pangkalahatang dulot ng ating wika ngunit ano nga ba ang naidudulot nito sa atin bilang mga mag aaral?
Bilang isang mag-aaral ay dapat nating hinahasa ang ating mga kasanayan at kakayanan para maging handa sa totoong pamumuhay. Sa paaralan ay binibigyan tayo ng mga gawain na kung saan nangangailangan ng ating kritikal na pag-iisip at kaalaman.
Atin lamang mapapahayag itong mga kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ang wika ang nagsisilbing instrumento upang maipahiwatig natin ang ating mga sagot sa mga katanungan na atin ring magagamit sa ating mga trabaho sa huli. Ito rin kung minsan ang nagiging daan upang magkaroon ng kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa ating isipan.
May mga bagay na likas nang nariyan sa ating paligid na hindi na natin napapansin ang importansya nila sa ating buhay. Isa na rito ang wika na hindi natin napapansin na nagbibigay buhay sa ating pang araw-araw kung hindi pa natin iisipin ng malalim.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Diyalekto Sa Pilipinas: 35+ Na Mga Halimbawa