Ano Ang Kahalagahan Ng Wika Sa Sarili? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG WIKA SA SARILI – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang wiki para sa ating sarili.
Ang wika ay ang ating pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan. Ito ay mahalaga dahil ang pakikipagtalastasan ay isa sa mga pundasyon ng isang mabuting lipunan.
Bukod rito, ang wika rin ang nagiging produkto ng ating mga kaisipan, kilos, at mga plano. Dahil sa wika, tayo ay nagiging organisado at ito rin ang nagiging tulay para sa pagkakaisa ng mga tao.
Pero, dapat nating tandaan na ang apoy ay puwedeng magamit sa pagluluto ng masarap na pagkain at puwede ring maka sira ng buhay. Gayun rin sa wika, ito ay maaaring makapag-isa sa mga tao, at puwede rin itong gamitin upang ihiwalay sila.
Subalit, ang wika ay hindi lamang para sa mga taong nagsasalita, kahit pipi man ay may sariling wika. Kaya naman, dapat nating aalahanin na ang wika ay higit sa lahat, isang concepto na ginagamit sa pag komyunikar sa iba.
Kahit ang mga hayop ay may sariling wika, ang teknolohiya rin ay gumagamit ng wika. Magkagayunman, ang wika ay mahalaga para sa ating sarili dahil ito ang ating tulay para sa isang mapayapang kinabukasan na kung saan lahat ay nag-kakaisa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Pamilya Sa Lipunan – Halimbawa At Paliwanag