Ano Ang Kahinaan At Kalakasan Ni Gilgamesh?
KAHINAAN AT KALAKASAN NI GILGAMESH – Si Gilgamesh ay isang napaka lakas na nilalang, walang makakapigil sa kanya habang siya’y namuno sa Uruk.
Kahit mismo ang taong ginawa para lamang talunin si Gilgamesh na si Enkidu ay hindi nagtagumpay laban sa kanya. Dahil pa nga dito, siya’y naging pinakamatalik na kaibigan ni Gilgamesh.
Bukod rito, si Gilgamesh ay halos hindi magagapi. Hindi rin si Gilgamesh natatakot sa halos lahat ng bagay. Ngunit, kahit gaano ka makapangyarihan si Gilgamesh, siya ay may malaking kahinaan.
Nakita ito noong namatay ang kanyang matalik na kaibang si Enkidu. Dito na siya nagsimulang mag-alala para sa kanyang sariling kamatayan. Kahit gaano ito ka makapangyarihan, Si Gilgamesh ay natakot na mamatay.
Kaya naman, nasilaw ito sa pangako ng pagiging imortal. Hinanap nito si Utnapishtim para tanungin ang mga sekreto ng pagiging imortal. Dito natin makikita ang pinaka malaking kahinaan ng makapangyarihang gilgamesh, ang pagkawalang-katiyakan niya sa kanyang kamatayan.
Si Gilgamesh ay isa sa pinakamahalagang bayani ng sinaunang mitolohiyang Mesopotamia. Siya ang pangunahing tauhan sa “Epiko ni Gilgamesh”. Siya rin ay naging hari ng Sumerian na Siudad ng Uruk.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Paano Gumawa Ng Bugtong? – Halimbawa At Paliwanag