Ano Ang Kahulugan Ng Paglalahat? (Sagot)
PAGLALAHAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng paglalahat at mga halimbawa.
Kung tayo ay nasa isang argumento, kadalasan, makakarinig tayo ng mga paglalahat. Ito ay ang mga impormal na palasiyang impormasyon o datos na walang sapat na ebidensiya.
Kapag sinabi nating paglalahat, ito rin ay ang pagbigay ng konklusyon tungkol sa isang paksa o isyu na hindi mo pa nakuha lahat ng impormasyon at “variables”. Heto ang mga halimbawa: Pagpapakalat ng kung ano-anong impormasyon tungkol sa “gamot” para sa COVID-19 at Paggamit ng “fake news” sa mga argumento.
Sa ingles, ang paglalahat ay tinatawag na “hasty generalizations”. Ang gawaing ito ay hindi nakakatulong para sa mga tao dahil kadalasan, ito’y dumudulot ng maling impormasyon.
Gayunpaman, dapat nating tandaan na sa panahon ng pandemya, ang tamang impormasyon ang siyang bibigay sa atin ng karagdagang kaalaman laban sa sakit. Ngunit, kung tayo ay makikinig sa mga paglalahat, maari tayong maapektuhan dahil sa maling impormasyon.
Kaya, dapat nating intindihin ng mabuti ang isang isyu, o pangyayari bago tayo dumating sa ating sariling konklusyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Paghahati Ng Mundo Sa Pitong Kontinente