Ano Ang Kaibahan Ng Maikling Kwento Sa Ibang Uri Ng Panitikan? (Sagot)
MAIKLING KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kaibahan ng maikling kwento sa iba pang uri ng mga gawang panitikan.
Ang maikling kwento ay katulad rin lamang sa ibang uri ng panitikan dahil ito’y nagbibigay ng isang aral o leksyon para sa mga mambabasa. Subalit, ang malaking pinagkaiba nito sa ibang uri ng kwento ay ang kanyang kaiksiaan.
Bukod rito, dahil maikli lamang ang kwento, kadalasan ay isa lamang ang nagiging problema ng pangunahing tauhan na kailangan niyang harapin. Ito rin ay naiiba dahil sa kanyang paraan ng pagbigay ng aral.
Sa mga maikling kwento, ating makikita ang isang madali at deretsong aral. Kung atin itong i kumpara sa isang nobela na paikot-ikot at maraming pangyayari, makikita natin na mas madaling intindihin ang mga aral sa maikling kwento.
Dahil dito, mas madaling gamitin ang maikling kwento para matuto o mabigyan ng aral ang mga estudyante at mga bata. Kadalasan, ang pangunahing tauhan sa mga kwentong ito ay may isang pagsubok o problema na kailangang harapin at bigyan ng solusyon.
Ang paraan rin ng pag sagot sa mga problemang ito ay siyang nagiging aral para sa mga mambabasa. Minsan, ang mga maikling kwento ay nagbibigay rin ng mga babala sa kung ano ang “hindi” dapat gawin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Karunungang-bayan Makikita Sa Paligid Halimbawa At Kahulugan