Kailan Nga Ba Nagsimula Ang Kuwentong Bayan? (Sagot)
KAILAN NAGSIMULA ANG KUWENTONG BAYAN – Ang mga kuwentong bayan ay isang mahalagang parte ng ating kultura at tradisyon. Pero, kailan nga ito nagsimula?
Nagsimulang panirahan ang Pilipinas pagdating ng mga sinaunang tao na nakasakay sa mga bangka. Nangyari ito noong 709,000 na taong nakalipas. Samantala, ang unang modernong tao ay nakita sa Kuwebang Tabon mga 47,000 taon na ang nakalipas.
Pagkatapos nito, ang mga grupo ng taong pumunta sa Pilipinas ay umangat ang komyunidad. Meron na rin itong sistema ng isang komunidad na maari na silang matawag na “early state”.
Sa panahong ito, may sarili na silang kultura. At kapag ang isang komunidad ay may kultura, sila rin ay may mga kwento ukol sa kanilang mga tradisyon, karanasan at iba pang aspeto ng kanilang buhay.
Dito nag simula ang mga kuwentong bayan. Bago paman tayo nasakop ng mga Kastila, may mga kuwentong bayan nang makikita sa Pilipinas. Ang mga kwentong ito ay naipapasa mula henerasyon hanggang henerasyon.
Ilan sa mga halimbawa nito ay mga alamat, mito, parabula, at pabula. Dahil wala pang siyentipikong paraan para ipaliwanag ang mga pangyayari sa sina unang panahon, gumagawa ng mga mito ang ating mga ninuno upang bigyang personipikasyon ang mga lakas ng kalikasan katulad ng hangin, dagat, apoy, at ulan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pagkakatulad Ng Mitolohiya At Epiko – Halimbawa At Paliwanag