Ano Ang Katangian Ng Bugtong? (Sagot)
BUGTONG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga katangian ng mga bugtong at mga halimbawa nito.
Ang bugtong ay isang uri ng karunungang bayan na naipapasa mula henerasyon hanggang henerasyon. Subalit, mayroon ring mga modernong bugtong na kumakalat rin sa sosyal medya.
Kahit na moderno o tradisyunal man, ang mga bugtong ay may apat na mahalagang katangian. Ito ay ang Tugma, Sukat, Kariktan, at ang Talinghaga.
Ang tugma ay ang pagkaparehong tunog ng sa dulo ng dalawa o higit pang salita. Ito ay mahalaga sa mga bugtong dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit mabilis kabisaduhin ang mga ito.
Samantala, ang sukat ng bugtong ay importante dahil ang isang mahabang bugtong ay hindi madaling ipasa at kadalasan hindi ganun kasaya sagutin. Ang kariktan ay nangangahulugang kagandahan, karilagan o kahali-halina sa paningin ng isang tao.
At panghuli, ang Talinghaga ay ginagamit dahil kadalasan, ang mga bugtong ay kailangan ng kritikal na pag-iisip. Sa pamamagitan ng mga talinghaga, napipilitan ang mga sumasagot na mag-isip ng maagi at hindi lamang sa kung ano ang nasa harapan nila.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pananagutan Ng Anak Sa Magulang – Halimbawa At Paliwanag Nito