Ano Ang Mga Katangian Ng Sosyolek Na Mga Salita
SOSYOLEK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang sosyolek at ang mga halimbawa ng katangian nito.
Ang sosyolek ay naglalarawan sa wikang ginagamit ng isang espesipikong grupo ng tao, propesyon, o kultura. Bukod rito, matatagpuan rin sa mga sosyolek ang mga salitang pormal at di-pormal.
Dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas, maraming mga wika at diyalekto ang matatagpuan. Ito’y nagdulot ng mabilis na pag unlad ng wika at pag gamit ng iba’t-ibang kombinasyon ng mga lokal na diyalekto at banyagang salita.
Isa rin ito sa mga katangian ng sosyolek na ating makikita. Kaya naman, masasabi natin na isa sa mga katangian nito ay ang pagiging dinamiko ng wika.
Ito ang nagsasabi na ang wika ay patuloy na bumabago. Ang pagbabago naman ng wika at ang mga katangian nito ay maaaring dulot ng pagbabago ng panahon, uso, at iba pang mga aspeto.
Dapat nating tandaan na ang mga sosyolek na salita ay lahat ng salitang ating maririnig. Kahit man ito ay pormal o di-pormal ang katangian nito ay pabago-bago dahil sa panahon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kabutihan Ng Lahat Hindi Ng Nakararami Paliwanag at Kahulugan