Ano ang kahulugan ng Kilos Loob?
Ang artikulong ito ay naglalayong ipaliwanag ang kahulugan ng kilos loob at magbigay ng mga halimbawa nito.
Ang kahulugan nito ay ang kapangyarihan na gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gusto mong gawin. Ito ay tumutukoy sa pansariling desisyon ng isang tao na kaniyang ginagawa at kung paano niya ito gagawin.
Sa ganitong aspekto, ang isang tao ay umaasa sa isip sa kadahilanang nasa isip lamang ang katuwiran na maaaring magimpluwensyahan sa isang kilos.
Ang kilos loob ay ang isang paggawa ng desisyon na ang kapangyarihang pumili ng malaya. Ito ay hindi galing sa impluwensya ng ibang tao. Nasa iyo lamang ang pagpapasya kung ano ang pipiliin o ano ang mga gusto mong gawin, maging ang resulta nito ay nakabubuti o nakasasama man.
Nangangailang ng disiplina ang isang tao upang mas masigurado ang kilos na gagawing susunod pagkatapos ng paggwa ng desisyon o pagpili. Sa ganito, kailangan ding marunong ang isang tao na pigilin ang emosyon na maaaring makaapekto sa pagpili.
Hindi lang natatapos dito dahil kasunod nito, dapat ring mayroong pagsusumikap, pagtitiis, at pagtitiwala sa sarili at kakayahan na magawa ang tama at pagbabagong nararapat para sa ikauunlad o ikabubuti.
Narito ang ilang sa mga halimbawa ng kilos loob:
- Pagpili ng kurso na kukunin sa kolehiyo at kung saan mag-aaral
- Padesisyon kung ano ang kulay ng damit na isusuot
- Pagpili ng mga kagamitan sa bahay
- Pagdesisyon kung aling pagkain ang pipiliin
- Pagpili ng uunahing gawin na gawaing bahay
- Pagpili sa panonooring pelikula sa sinehan
- Pagdesisyon kung saan gagamitin ang perang naipon
Basahin din: Kolokasyon Halimbawa At Kahulugan