Kolokasyon Halimbawa At Kahulugan

Kolokasyon Halimbawa – Ang artikulong ito ay naglalayong magpaliwanag ng kahulugan ng kolokasyon at magbigay ng mga halimbawa.

Kolokasyon ang tawag sa paraan ng pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan. Sa pamamagitan nito, Dahil rito, makakabuo ng iba pang kahulugan ang salita.

kolokasyon

Ilan sa mga halimabawa nito ay:

  • kawan ng ibon
  • ligaya at lumbay
  • magarang damit
  • pumpon ng bulaklak
  • buwig ng saging

Maraming kolokasyon rin ang gumagamit ng salitang “puso.” Ito ay isang mahalagang parte ng katawan ng tao na nagpapadaloy ng dugo sa buong katawan ngunit kung ito ay daragdagan ng iba pang salita, mag-iiba na ang kahulugan nito.

Narito ang ilang halimbawa:

  • Atake sa puso – sakit
  • Pusong-mamon – mabait
  • Nagdurugong puso – nagdaramdam
  • Bakal na puso – matapang, matatag

Isa rin ang salitang “hampas” sa maaaring ipares sa ibang salita at ibang kahulugan na ang nabubuo. Kapag ito ay dinagdagan ng salitang “lupa” ito ay magiging “hampas-lupa” na ang ibig sabihin ay isang taong mahirap.

Ang salitang “basag” naman ay nangangahulugang pagkasira ng isang bagay, tulad ng baso na nabasag. Kung ito ay idaragdag sa salitang “ulo” ang bagong salitang mabubuo ay basag-ulo na ang kahulugan ay isang taong palaging nasasangkot sa gulo o away.

Basahin din: Bahagi Ng Sanaysay: Tatlong Bahagi Ng Isang Sanaysay

Leave a Comment