LIKAS NA YAMAN: Kahulugan, Mga Anyo At Mga Uri

Alamin ang kahulugan ng Likas Na Yaman

Sa artikulong ito, tatalakayin ang kahulugan ng LIKAS NA YAMAN, ang tatlong anyo nito pati na rin ang apat na uri.

Ito ay tumutuukoy yaman na binubuo ng yamang lupa, tubig, gubat, at mineral. Sa ibang termino, ito ay ang yamang natural at hindi ginawa o binago ng tao.

Mayroong tatlong anyo at ito ay ang mga yamang nauubos at di napapalitan, yamang napapalitan, at yamang di-nauubos. Narito ang kahulugan ng bawat isa at mga halimbawa.

likas na yaman

Yamang nauubos at di napapalitan
Ito ay tumutukoy sa likas na yaman na hindi mapapalitan kahit kailan at kapag nagamit na ang mga ito, hindi na maibabalik sa dating anyo.
Halimbawa – Ginto, Pilak, Tanso

Yamang napapalitan 
Ito naman ay tumutukoy sa yaman na maaring palitan at hindi basta-basta nauubos.
Halimbawa – Isda, Halaman, Mga hayop

Yamang di-nauubos
Ito ay ang tawag sa yaman na hindi nauubos kahit paulit-ulit man na gamitin.
Halimbawa – Hangin, Tubig

Narito naman ang mga uri ng likas na yama at ang mga halimbawa.

Yamang Lupa – Ito ang tawag sa mga yaman na galing sa lupa, hayop o sa halaman man.
Halimbawa:
Puno
Prutas
Palay
Gulay
Halamang Ugat
Bulaklak
Pulo
Kapatagan
Kabundukan
Lambak
Bundok

Yamang Tubig – Lahat ng mga yaman na nanggaling sa tubig ay nakapaloob sa uri na ito.
Halimbawa:
Isda
Starfish
Perlas
Corales
Pating
Lawa
Dagat
Karagatan
Ilog

Yamang Gubat – Ito ay mga yamang nanggaling sa gubat o makikita sa kagubatan.
Halimbawa:
Punongkahoy
Agila
Usa
Mga halamang gubat

Yamang Mineral – Ito nakabilang ang mga yaman na makikita sa kuweba o sa kalaliman ng lupa.
Halimbawa:
Tanso
Ginto
Pilak
Diamante

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Puwersa Ng Kalikasan – Paliwanag At Iba Pa

Leave a Comment