Ano ang kahulugan ng Lokomotor at Di Lokomotor?
Ang artikulong ito ay magpapaliwang ng kahulugan ng Lokomotor at Di Lokomotor at magbigay ng iba’t-ibang halimbawa.
Sa araw-araw na pamumuhay ng tao, maraming kilos ang nagagawa. Bahagi na ng buhay ng tao na kumilos o mag-iba ng posisyon. Isang naturalisa ang paggalaw dahil sa pamamagitan nito, nakakagawa ang isang tao ng mga bagay na dapat niyang gawin.
Ang pagkilos na ito ay nababahagi sa dalawang uri. Lokomotor ang tawag sa mga kilos na ginagawa ng isang tao kung saan umaalis ka sa mismong kinalulugaran mo o lumilipat sa ibang lugar o pwesto.
Kabaliktaran naman nito ang di-lokomotor na nangangahulugang paggawa ng kilos na hindi ka umaalis sa iyong pwesto o sa orihinal na lugar kung nasaan ka.
Narito ang ilang uri ng kilos na nabibilang sa kategorya ng lokomotor:
- Paglakad
- Pagtakbo
- Pagsayaw
- Paglukso
- Pag-akyat
- Paglangoy
- Paglaro
- Pagwawalis ng bakuran
- Paghabulan
Narito naman ilang uri ng kilos na nabibilang sa kategorya ng di-lokomotor:
- Pag-upo
- Pagluhod
- Pagkaway
- Pagbasa
- Pagbaluktot
- Pagtalon
- Pag-unat
- Paghiga
- Pagsulat
- Pagguhit
Sa pamamagitan ng mga kilos na tulad nito, may natatapos na gawain ang isang tao maging ito ay lokomotor o di-lokomotor man. Ang tao ay may iba’t-ibang ginawagawa at kadalasan ang mga ito ay para sa ikauunlad ng kaniyang buhay or makakatulong sa kaniya at sa kaniyang kapwa.
Habang nabubuhay ang isang tao, hindi maiiwasan ang paggawa ng iba’t-ibang kilos. May mga pagkakataong may pagod na kaakibat ang ilan sa mga kilos na ito ngunit ito ay may mahalagang bahagi pa rin sa isang tao.
Basahin din: Metapora: Kahulugan At Mga Halimbawa