Anu-ano ang walong elemento ng maikling kwento?
MAIKLING KWENTO – Ang artikulong ito ay naglalayong magsalaysay ng mga elemento, ang mga kahulugan, mga bahagi at uri.
Ito ay isang anyo ng panitikan na naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari. Ang ganitong anyo ay nagbabahagi ng magandang aral at bagong karunungan sa mga mambabasa.
May walong elemento ang isang maikling kwento at narito ang mga ito at ang kahulugan ng bawat isa.
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga karakter o mga tao na nasa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.
Narito ang mga bahagi ng banghay:
- Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
- Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
- Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
- Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
- Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe na maaring makuha ng mambabasa kwento.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan o karakter sa kwento.
7. Tunggalian – Ang elementong ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Tinatawag din ito na pinaka-kaluluwa ng kwento.
Narito naman ang mga uri ng Maikiling Kwento:
- Kwentong Makabanghay
- Kwentong Katutubong Kulay
- Kwento ng Kababalaghan
- Kwento ng Tauhan
- Kwento ng Katatawanan
- Kwento ng Pag-ibig
- Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko
- Kwento ng Talino
- Kwento ng Pampagkakataon
- Kwento ng Kapaligiran
Basahin din: Mga Uri Ng Sanaysay At Mga Halimbawa