Metapora: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano ang kahulugan ng metapora?

Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng kahulugan ng metapora na kadalasang ginagamit sa sining ng pagsusulat at magbigay ng mga halimbawa.

Kahulugan: Ito ay paraan ng tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na pinagtutulad. Sa ganitong paraan, ipinapalagay na ang isang bagay ay katulad ng isa at ito ginagawa sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay sa bagay na ihinhahambing. Ito ay kilala rin sa tawag na “pagwawangis” o “pag-uudyok.”

Sa paggamit ng metapora or metaphor sa English, nagiging malikhain ang sulatin at ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay na hindi makikita sa ordinaryong paraan lang ng pagsusulat.

metapora

Mas nakaka-engganyong basahin ang isang sulat na may metapora. Ito ay mas nanakaaliw at nakakabigay ng ibang damdamin sa mga mambabasa.

Narito ang mga halimbawa ng metapora.

“Ang mga bulaklak ay tala na sumasayaw sa hardin.”

“Dahil sa malaking naitulong niya sa aming buhay, masasabi kong siya ay hulog ng langit.”

“Ang iyong mga ngiti ay sinag ng araw sa aking pag-iisa.”

“Hindi ko alam na ganun pala siya kayaman dahil ang bahay niya ay malaking palasyo.”

“Naghahalimuyak na bulaklak ang bango ng kaniyang damit.”

“Ang edukasyon ay pagbubukas ng mga pinto sa mga bagong kaalaman.”

“Nalugmok siya sa lungkot na isang malalim na dagat na walang hanggan.”

“Ang aking ina ang aking tanglaw sa madalim na panahon ng aking buhay.”

“Alam kong kinabahan siya pag-akyat sa entablado dahil ang kamay niya ay yelo sa lamig.”

Basahin din: PANITIKAN: Mga Halimbawa Ng Mga Uring Patula At Tuluyan O Prosa

Leave a Comment