MGA ARAL SA KWENTONG “MINSANG NALIGAW SI ADRIAN”
MINSANG NALIGAW SI ADRIAN – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga aral at leksyon na ating makukuha sa kwento tungol kay Adrian.
Si Adrian ay ang bunso sa tatlong magkakapati. Subalit, siya lang ang umiba ng propesyong napili. Pawang mga abogado ang mga kapatid nito.
Lumaki si Adrian at ang kanyang mga kapatid sa isang tahanan na puno ng pagmamahalan. Bukod rito, may kaya rin ang kanilang pamilya at naka pagtapos siya ng kursong doktor. Ngunit, makalipas ang dalawang taon, namatay ang ina ni Adrian. Dahil rito, naiwan sa kanya ang responsibilad ng pag bantay sa kanyang amang may sakit.
Dahil sa kanyang pag-iisa, na isipan niyang mangibang bansa katulad lamang ng kanya mga kapatid. Subalit, hindi ito maka alis dahil sa kanyang ama. Dagdag pa rito, nagkaroon siya ng inggit sa mga kasamahan niyang doktor at bigla siyang may naisip na masama laban sa kanyang mahal na ama.
Dinala niya ang kanyang ama sa kagubatang para iligaw ito. Ngunit, habang sila ay naglalakad, napansin niyang ang ama ay nag-iiwan ng mga putol na sangang kahoy. Dahil rito, tinanong ni Adrian kung bakit ginagawa ito ng kanyang ama.
Sinagot ng ama si Adrian na ginagawa niya ito upang sa pagbalik ni Adrian ay hindi siya mawawala sa kagubat. Alam niya rin daw ang balak ng kanyang anak. At kahit alam niya, na isipan pa rin niyang gawin ito para sa kanyang mahal na anak.
Pagkatapos nito, hindi na tinuloy ni Adrian ang kanyang planong masama at gumawa ito ng mabuting plano at hindi na siya na ligaw ng landas sa buhay.
Ang aral na makukuha natin sa kwento ay dapat hindi tayo gumawa ng masama sa kapwa, lalo na sa ating pamilya. Isa pa, lahat ng tao ay nagkakamali at naliligaw ng landas. Subalit, may mga pagkakataon na tayo ay binibigyan ng “second chance” na kailangan natin kunin.
Natutunan rin natin na ang pagmamahal ng isang ama ay lubos na totoo at kaya nilang i sakripisyo ang kanilang sarili para sa kanilang mga anak.
BASAHIN RIN: Hugnayang Pangungusap Halimbawa: Kahulugan At +5 Na Halimbawa