Paano Ba Magpahayag Ng Damdamin? (Sagot)
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba magpahayag ng damdamin at ang mga halimbawa nito.
Isa sa mga sensitibong aspeto ng ating sarili ang ating nararamdaman kung kaya’t hindi natin ito basta bastang ipinapakita sa kung sino lamang. Subalit, paano nga ba ito pinapahayag? May tamang paraan ba para rito o damdamin rin natin ang siyang makakapagsabi?
Walang tama o mali sa pagpapahayag ng damdamin basta’y ito’y nanggaling sa sariling desisyon nang hindi pagsisihan sa huli. Ayon sa karanasan, nagpapahayag lamang tayo ng ating damdamin sa mga taong malapit sa atin dahil alam nating hindi nila tayo huhusgahan at tunay silang makakaintindi.
Karagdagan rito, ang pagpapahayag ng damdamin ay likas na bukal sa ating loob. Kinakailangan lang natin ng sapat na lakas na loob upang mapahayag natin nang maayos itong ating nararamdaman nang hindi magkaroon ng hindi pagkaintidihan.
Ang ating damdamin ay tayo lamang nakakaalam hangga’t hindi natin ipanaalam sa iba. Kung talagang sinisigaw na ito ng iyong damdamin ay dapat itong ipahiwatig nang bukal sa loob at may tapang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Epekto Ng Sugal Sa Sarili – Halimbawa At Paliwanag