Paano Nga Ba Makakatulong Ang Mga Aral Na Taglay Ng Pabula? (SAGOT)
PAANO MAKAKATULONG ANG PABULA – Ang mga pabula ay nagtataglay ng maraming mga aral na maaari nating pag-aralan at gawing gabay para sa ating buhay.
Hindi dapat nating iluto ang pabula para sa isang parabula. Ang isang parabula ay mga kwentong kadalsang nakukuha sa mga sagradong aralin katulad ng Bibliya. Samantala, ang pabula naman ay mga kwento na ang pangunahing tauhan ay mga hayop.
Subalit, ang dalawang uri ng kwentong ito ay may taglay na mga aral na maaari nating dalhin sa ating buong buhay. Ito ang mga halimbawa kung paano nakakatulong ang pabula:
Ang isang pabula ay mas nakaka-akit sa mga kabataan. Ito’y dahil mas nakaka-enganyo ang isang kwentong hindi masyadong tipikal. Dahil mga hayop ang pangunahing tauhan, mas madali itong tutukan ng mga kabataan.
Pero, kahit na mga hayop ang pangunahing tauhan, ang mga aral at pangyayari sa mga kwento ay sumasalamin pa rin sa totoong buhay. Ating makikita sa mga pabula ang pagkakaiba ng pangunahing tauhan at nang kontrabida.
Ang mga pangunahing tauhan ay nagbibigay ng halimbawa ng mga mabubuting asal. Samantala, ang mga kontrabida naman ay gumagawa ng paraan upang madaling maka-ahon sa kanyang kasalukuyang kinatatayuan.
Ngunit, ang kontrabida ay kadalasang umaapak sa mga tao para lamang makamit ang kanyang kagustuhan. Dito natin makikita na ang desisyong iyon ang siya ring magiging dahilan ng mga kamalasan ng kontrabida.
Isa rin sa mga tema at moral ng kwento na parabula ay ang pagiging mabuti sa kapwa. Subalit, makikita rin natin sa mga pabula na minsan, ang pagiging masyadong mabait ay may negatibong epekto rin. Makikita natin ito sa kwentong “Ang Pagong at Ang Matsing”.
Sa pabulang ito, ginagamit lamang ng matsing ang pagong ubang makuha ang saging. Dahil dito, na pag-isipan ng pagong na gumawa ng paraan para hindi na siya maloko.
BASAHIN RIN: Kahulugan Ng Teknikal At Bokasyonal Na Sulatin (Sagot)