Paano Malalaman Ang Paksa Ng Isang Tula? (Sagot)
PAKSA NG ISANG TULA – Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga paraan kung paano malalaman ang paksa ng isang tula at ang mga halimbawa nito.
May iba’t-ibang uri ng tula depende sa kagustuhan ng manunulat. Bukod rito, bawat tula na ginawa ay mayroong layunin, mensahe na gustong ipahayag, at mga damdamin na gustong ipakita. Upang malaman natin ang mga paksa ng sulating ito, kailangan muna natin intindihin kung ano gustong ipahiwatig ng manunulat.
Isa sa mga paraan nito ay ang pagtanaw ng mga salitang ginagamit. Pagkatapos, tanungin natin ang ating mga sarili kung ito ba ay literal o metaporikal lamang.
Kapag literal ang kanyang sinasabi, mas madali nating malaman kung ano ang paksa ng isang tula. Ngunit, kapag ito ay metaporikal o gumagamit ng mga simbolo, mahihirapan tayong tukuyin kung ano ang paksa. Kaya dapat, intindihin natin ito ng lubusan mula simula hanggang dulo. Heto ang halimbawa:
Bulag Ka, Juan | Ariana Trinidad
Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
Ang tulang ito ay sumasalamin sa mga nangyayari ngayon sa ating gobyerno at sa pulitika. Sa tula, makikita natin na tungkol ito sa isang pulitiko na walang kibo o walang ginagawa pero maingay kapag eleksyon.
Ito rin ay sumasalim sa korupsiyon na nangyayari sa pulitika at sa katotohanan na mahirap bantayan ang pangungurakot kasi kalat-kalat ang pangungupit.
BASAHIN RIN: Bakit May Suliranin Ang Pangunahing Tauhan Ng Epiko?