Sagot Sa Tanong Na “Paano Paunlarin Ang Sarili?”
SARILING PAGUNLAD – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa sa kung paano natin paunlarin ang ating mga sarili.
Ang pag-uunlad sa sarili o self development sa Ingles ay isa sa pinakamahalagang parte ng ating buhay. Ito ang nagpapatunay na ang mga kamalian mo ay natutunan mo na at handa ka nang baguhin ang iyong buhay para sa ikinabubuti ng iyong kinabukasan.
Lahat tayo ay hindi perpekto, ngunit hindi ito dahilan para tigilan na ang pagpapabuti sa ating sarili. Isa sa mga halimbawa kung paano paunlarin ang sarili ay ang maging bukas sa mga payo. Sa Ingles, ito ay tinatawag na criticism.
Ang mga kritisismong ito ay maaaring mga bagay na nakikita ng mga ibang tao sa yo na hindi mo makita sa iyong sarili. Ngunit, hindi ibig sabihin na tama lagi ang ibang tao, parte rin ng sariling pagunlad ang pagiging sigurado sa iyong sarili at sa iyong mga disisyon.
Pero, ating tandaan na kapag gumawa tayo ng disisyon, mayroong mga sanhi at bunga ang mga ito. Isa rin sa mga paraan upang paunlarin ang ating sarili ay ang pag tanggap at pagunawa sa mga bunga ng ating desisyon na walang sinisising iba.
At higit sa lahat, ang hindi nagmamaliw na tiwala mo sa iyong sarili, na sa kabila ng pagsubok sa iyong buhay, nandoon pa rin ang iyong sariling pananaw na makakaya mo at mapapgtagumpayan mo rin ang mga pagsubok na ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kalagayang Ekolohikal Ng Asya – Halimbawa At Kahulugan