Pagkakaiba Ng Wikang Panturo At Wikang Opisyal – Newsfeed.ph

Ano Ang Pagkakaiba Ng Wikang Panturo Sa Wikang Opisyal (Sagot)

WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL – Sa paksang ito, ating malalaman kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng wikang panturo at wikang opisyal.

Maraming pagkakaiba ang wikang panturo sa Filipino, ang ating wikang opisyal. Una sa lahat, dapat nating tandaan na ang ating wikang opisyal ang pormal na wika na ating ginagamit para sa karamihan sa ating mga mahahalagang dokumento. Ito ay magkapareho saan man sa Pilipinas.

Samantala, ang wikang panturo naman ay naka depende sa kung saang lugar ka nag-aaral sa bansa. Ito’y dahil posibleng magkaroon ng iba’t-ibang wikang panturo dahil sa panibagong sistema na gumagamit ng “mother tongue”.

Pagkakaiba Ng Wikang Panturo At Wikang Opisyal – Newsfeed.ph

Sa mga wikang panturo, makikita natin ang pagkakaiba sa opisyal dahil mayroong kolokyal na salita ang bokabularyo nito. Ito’y ginagamit upang mas madaling maiintindihan ng mag-aaral ang paksa.

Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino. Ito rin ay matatawag na wikang pambansa. Dahil watak-watak ang Pilipinas, ginamit ang Filipino upang mai-ugnay ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ng mga isla ng bansa at magkaisa sa mga opisyal na serbisyo ng gobyerno.

Isa rin sa mga pagkakaiba ng wikang opisyal sa panturo ay ang dialekto na ginagamit. Sa wikang panturo, maaaring gamitin ang wikang Hiligaynon para magturo. Pero, kapag nasa ibang lugar kana sa Pilipinas maliban sa Visayas, siguro hindi mo na maiintindihan ang wikang ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.

BASAHIN RIN: Paano Makakatulong Ang Pabula Sa Ating Buhay? (SAGOT)

Leave a Comment