Ano Ang Mga Pagkakatulad Ng Mitolohiya At Epiko? (Sagot)
MITOLOHIYA AT EPIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakatulad ng Mitolohiya at Epiko.
Sa isa pang artikulo, nalaman natin ang mga pagkakaiba ng mitolohiya at epiko. Ngunit, marami ring pagkakatulad ang dalawang gawang sining na ito.
Ang dalawang gawang sining na ito ay mga halimbawa rin ng tinatawag na “Karunungang Bayan”. Ito ay isa sa mga instrumentong ginagamit upang ipasa ang kultura at tradisyon ng mga sinang-unang tao.
Bilang isang karunungang bayan, ang mga Epiko at Mitolohiya ay parehong naipasa mula pa sa ating mga ninuno. Sila rin ay naka base sa mga kultura, paniniwala, at tradisyon ng mga sinaunang tao.
Ang iba sa ating mga epiko at mitolohiya ang mula pa sa isang siglo na ang nakakaraan. Kadalasan, ang mga epiko at mitolohiya ay naipasa rin sa pasalitang paraan.
Isa rin sa mga pagkakatulad ng Epiko sa Mitolohiya ay ang kinukunan ng mga kwento. Ang isang epiko ay nakabatay sa mga kombinasyon ng mitolohiya at mga alamat.
Ngunit, kahit ano man ang mga kaibahan at pagkakatulad ng mga karunungang bayan na ito, dapat silang bigyan halaga. Ito’y dahil sila ay parte ng ating kultura na dapat nating alagaan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Tauhan Ng Cupid At Psyche At Mga Katangian Nila