Ano ang kahulugan ng Panandang Pandiskurso?
Ang artikulong ito ay naglalayon na talakayin ang kahulugan ng PANANDANG PANDISKURSO at ang mga halimbawa nito.
Ito ay tumutukoy sa mga salita na tumutulong upang mapalinaw at maiiugnay ang mga ideyang ipinapakita sa isang teksto o diskurso. Maaari itong gamitin upang maisalarawan ang pag-iiba ng paksang tinatalakay, pagtitiyak, pagbibigay ng halimbawa, opinyon at paglalahat.
Sa paggamit ng mga salitang ito, mas napapaganda at mas nagiging malinaw ang teksto. Bukod dito, naipapahatid ang mensahe ng teksto sa mambabasa na mas mainam at epektibo.
MGA HALIMBAWA:
MGA PANANDANG NAGHUHUDYAT NG PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI:
- Pagkatapos
- Nang sumunod na araw
- Kinabukasan
MGA PANANDANG NAGHUHUDYAT NG PAGKABUO NG DISKURSO:
- Pagbabagong-lahad
- Kung iisipin
- Kung tutuusin
- Sabagay
- Siguro
- Pagtitiyak
- Halimbawa
- Isang magandang halimbawa
- Kagaya ng
- Tulad ng
- Paglalahat
- Sa madaling salita
- Bilang pagtatapos
- Bilang paglalahat
- Bilang konklusyon
- Pagbibigay Pokus
- Bigyang pansin ang
- Tungkol sa
- Pansinin na
- Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari
- Una
- Pagkatapos
- Ang sumunod
- Panandang Naghuhudyat Ng Pananaw ng May-akda
- Kung ako ang tatanungin
- Para sa akin
- Sa tingin ko
- Sa aking pananaw
Sa layuning magiging klaro ang paglipat o pag-iiba ng paksa o ang pokus ng pinag-uusapan para sa ibang tao, makakatulong na gamitin ang mga panandang pangdiskurso. Sa pamamagitan nito, napapaganda rin ang daloy ng mga pangungusap.
Basahin din: BIONOTE: Kahulugan, Layunin, Katangian At Halimbawa
Hello ,
I see your website www.newsfeed.ph and its impressive. I wonder if advertising options like guest post, ad content are available on your site?
What’s the price if we want to advertise on your site?
Note : Article must not be any mark as sponsored or advertise.
Cheers
mike jones