PANGNGALAN: Kahulugan, Uri At Halimbawa

Ano ang kahulugan ng Pangngalan at ang mga uri nito?

Ang PANGNGALAN ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari, at narito ang mga uri at halimbawa nito.

Ito ay isang bahagi ng pananalita at ito ay mayroong dalawang uri – pantangi at pambalana. Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri na ito? Ang artikulong ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa na ito.

Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Ito ay kadalasang nagsisimula sa malaking titik. Narito ang mga halimbawa.

pangngalan

Halimbawa ng tiyak na pangalan ng tao:
Jose Rizal
Fernando Poe, Jr.
Whitney Houston

Halimbawa ng tiyak na pangalan ng bagay:
Sharp TV
Nike
Chanel No. 5

Halimbawa ng tiyak na pangalan ng pook:
Greenhills
Albay
Europe

Halimbawa ng tiyak na pangalan ng hayop:
Twitty
Goofy
Nemo

Halimbawa ng tiyak na pangalan pangyayari:
National’s Hero Day
Buwan ng Wika
Dinagyang Festival

Narito ang ilan sa halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pangngalang pantangi.
Ako ay pumunta sa Albay kasama ng aking mga barkada.
Hindi ko nakita na lumabas ng bahay ang ang alaga ko na si Goofy.
Ang buhay ni Jose Rizal ang paksa ng aralin namin kanina.

Ang isang uri naman ng pangalan ay ang pambalana. Ito ay ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwan, ito ay sinusulat sa maliit na titik. Narito ang mga halimbawa.

Halimbawa ng hindi tiyak na pangalan ng tao:
guro
bata
tindera

Halimbawa ng hindi tiyak na pangalan ng bagay:
sapatos
pabango
damit

Halimbawa ng hindi tiyak na pangalan ng pook:
Pasyalan
Lalawigan
Bansa

Halimbawa ng hindi tiyak na pangalan ng hayop:
ibon
aso
isda

Halimbawa ng hindi tiyak na pangalan ng pangyayari:
kasal
piyesta
anibersaryo

Narito ang ilan sa halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pangngalang pambalana:
Naghahanap kami ng mga kaibigan ko ng magandang pasyalan na malapit sa aming lugar.
Ang bata ay tumakbo ng mabilis pauwi sa kanila.
May aso na tumatahol sa tabi ng aming bahay.

Leave a Comment