Sino Ang Pangunahing Tauhan Sa Kuwentong “Ang Ama”? (Sagot)
ANG AMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino nga ba ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Ang Ama” at bakit.
Sa kuwentong “Ang Ama”, hindi masyado klaro kung sino ang pinakamahalagang tauhan. Una sa lahat, bukod kay Mui Mui, wala nang ibang tao na may pangalan sa kuwento. Dahil dito, matatawag ba nating pangunahing tauhan si Mui Mui?
Subalit, kung titignan natin ng maigi ang kuwento, ito ay nagsasalaysay sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng “Ama”. Simula pa lamang, lahat ng kaganapan sa kuwento ay dahil sa “Ama” at ang kanyang mga desisyon.
Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng epekto ng masamang bisyo sa isang dating masayahing pamilya. Ito rin ay nagpapakita ng konsensya at labis na paghihinayang ng ama sa kanyang nagawa at kung paano niya ito sinubukang baguhin.
Dahil dito, masasabi natin na ang kuwentong “Ang Ama” ay nagsasalamin sa mga posibleng mangyari sa isang pamilya kapag ang isang miyembro nito ay na lulong sa bisyo. Kaya naman, ang kuwento ay maaring gawing babala para sa mga magulang na ito ay maaring mangyari kung ang bisyo ay hindi pa titigilan.
Ito ay ilan lamang sa mga rason kung bakit “Ang Ama”, at hindi si Mui Mui ang pangunahing tauhan ng kuwento. Ating dapat tandaan na ang pangunahing tauhan ay siyang gumagawa ng paraan para gumalaw ang kuwento.
Si Mui Mui ay ang tauhan na binigyan ng pangalan, dahil kailangan ng may akda na bigyang diin ang kanyang pagkamatay. Ngunit, “Ang Ama” talaga ang pangunahing tauhan ng kuwento.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pagpapalaganap Ng Kuwentong Bayan – Halimbawa At Iba Pa