Ano ang kahulugan ng panlapi?
PANLAPI – Ang artikulong ito ay naglalayon na talakayin ang kahulugan ng panlapi, mga uri, at mga halimbawa nito.
Mayroong mga salita o morpema o ang tinatawag na pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang salita ay binubuo ng pantig na pinagsama-sama. Sa isang salita, mayroong idinadagdag na magbabago ng kahulugan nito na magiging angkop sa paggagamitan ng nagsasalita o nagsusulat.
Kahulugan
Ito ang tawag sa salitang inilalagay sa simula, gitna, o dulo ng isang salita upang magdagdag ng kahulugan o pagbabago sa ibig sabihin nito.
Sa ilalim ng pagtatakay na ito, malalamin din ang mga uri na nakadenpe kung saan ilalagay ang mga ito. May tatlong uri ng panlapi at ito ay ang mga unlapi, gitlapi at hulapi.
Ulapi
Ang unlapi ay ikinakabait sa unahan ng salitang ugat. Ang mga halimbawa ng unlapi ay “ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala.”
Halimbawa:
matangkad, nahiga, magtanim, nagtanong, paggawa, palabiro
Gitlapi
Ang panlapi na ito ay ginagamit o nilalagay sa gitna ng salita at ito. Ang madalas na ginagamit na gitlapi ay “-um-,” at “-in-.”
Halimbawa:
kinuha, kumain, binuhol, tumahol, tinawag
Hulapi
Ito naman ay idinadagdag sa huli ng salita. Ang kadalasang ginagamit na hulapi ay “-an, -han, -in, -hin.”
Halimbawa:
harapan, basahin, pilitin, puntahan
BASARIN DIN:
PANG-URI: Kahulugan, Kayarian, Antas At Halimbawa
PAGSASALAYSAY: Layunin, Katangian, Paksa
Ano Ang Arbitraryo? Narito Ang Kahulugan At Halimbawa