Ano Ang Panlipunang Etika At Ang Mga Halimbawa Nito
PANLIPUNANG ETIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang panlipunang etika at ang mga halimbawa nito.
Ang etika ay isa sa pinakamahalagang parte ng isang lipunan o komyunidad. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “ethics”. Ang pag-aaral nito ay isang mahalagang parte ng ating sariling pag-unlad at nagiging gabay ito sa paggawa ng tamang disisyon.
Samantala, ang Panlipunang etika naman ay mayroong apat na kategorisasyon:
- Karapatan
- Pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula ng siya ay isilang.
- Hustisya
- Tumutukoy sa pagbibigay ng patas na pagtingin
- Epekto
- Tinatanaw nito ang interes ng nakararami kaysa interes ng ilan
- Pagkalinga
- Tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga
Ating tandaan na ang etika ay isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan. Bawat disisyon na ating ginagawa ay may kaloob na etikal na dimensyon.
Bukod dito, ang panlipunang etika rin ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na kinalakhan ng isang tao. Ito ay karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pamayanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ang Hatol Ng Kuneho Buod – Maikling Buod Ng Pabula