Ano Ang Pinakamababang Antas Ng Wika? (Sagot)
PINAKAMABABANG ANTAS NG WIKA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga antas ng wika at ang mga halimbawa nito.
Mayroong limang antas ang Wika. Ito ay ang sumusunod:
- Balbal
- Kolokyal
- Lalawiganin
- Pambansa
- Pampanitikan
Ang pinakamababang antas dito ay ang “balbal” o tinatawag na “street salang” sa Ingles. Ito ay binubuo ng mga salitang madalas nating naririnig sa lansangan. Kung wala itong konteksto, hindi natin ito maiintindihan.
Samantalang ang Kolokyal naman ay ang wikang kadalasang sinasalita ng tao ngunit bahagya na tinatanggap ng lipunan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang natural na pinaikli upang mabilis itong sabihin,
Ang lalawiganin naman na antas ng wika ay ang mga salitang katutubo sa mga lalawigan at mga malalayong probinsya at lugar. Meron rin tayong tinatawag na wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.
Ang mga salitang ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rinang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.
Panghuli, meron tayong antas ng wika na Pampanitikan. Ito ang antas na may pinakamayamanguri. Kadalasan, ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan kaysa literal. Ang mga halimbawa nito ay ang Idyoma, eskima, tayutay, at iba’t ibangtono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Mitolohiya – Halimbawa At Paliwanag