Mga Halimbawa Ng Salawikan Tungkol Sa Kalikasan
SALAWIKAIN– Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga salawikain tungkol sa kalikasan at ang mga kahulugan nito.
Ang mga salawikain ay mga kasabihang sumasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Pinoy. Ito ay posibleng tawigin na pilosopiya sa Pilipinas o karunungang bayan.
Heto ang mga halimbawa tungkol sa kalikasan:
1. Kung ano ang puno siya ang bunga.
Ito ay nagsasabi na kung ano ang ugat ng isang bagay heto rin ang kanyang magiging kalabasan. Mauugnay natin ito sa kalikasan dahil kung ano ang kasamaan na ginagawa natin sa inang kalikasan, iyon rin ang ibabalik ng inang kalikasan sa atin.
Subalit, kung tayo ay gagawa ng mabuti para sa kalikasan, mabuti rin ang kalalabasan nito.
2. Kung anong itinanim, siyang aanihin.
Katulad laman ito ng salawikain sa itaas. Kung ang ating itatanim ay kabutihan para sa kalikasan, kabutihan rin ang ibabalik sa atin. Pero, hindi lamang ito literal na tanim. Kailangan rin nating itanim sa mga susunod na henerasyon ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating inang kalikasan.
3. Basura mo, tapon mo.
Simple lamang ang salawikan na ito, kung may basura ka, huwag mo nang hintayin na itatapon yan ng ibang tao. Ito’y nagdudulot ng ideya na meron lang namang taong tatapon ng basurang iyon para sakin.
Pero, marami na rin ang taong may ganung pag-iisip. Kaya naman, dumarami na ang basura sa ating mga komunidad at sa ating kalikasan.
4. Mundo’y alagaan, ito lang ang tahanan.
Kung mawawala ang ating mundo, wala na tayong ibang pupuntahan. Kaya naman, dapat nating alagaan ang ating inang kalikasan.
5.Kalikasan ang kalakasan.
Lahat ng ating mga pangangailangan ay nakukuha sa kalikasan. Ating rin dapat tandaan na hindi tayo kailangan ng kalikasan upang ma buhay, tayo ang mga may kailangan sa kalikasan. Dito tayo kumukuha ng lakas, enerhiya, at iba pang mga pangangailangan ng tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Talumpati Tungkol Sa Kahirapan – Halimbawa Ng Talumpati