Ano Ang Mga Halimbawa Ng Slogan Tungkol Sa Wikang Pambansa?
SLOGAL TUNGKOL SA FILIPINO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa wikang pambansa ng Pilipinas na Filipino.
Ang ating wika ay malaking parte ng ating kultura at tradisyon. Bukod rito, ito ang nagbibigay sa mga Pilipino ng kanilang sariling pagkakilanlan. Dahil ito ay bahagi na ng kasaysayan at kultura dapat ito pangalagaan.
Isa sa mga paraan upang magawa ito ay ang pag-gawa ng mga slogan tungkol sa Filipino. Bilang wikang pambansa, ang Filipino ay sumasakop sa lahat ng wika at diyalekto na makikita sa Pilipinas.
Heto ang mga halimbawa:
Wikang katutubo na aking kinamulatan
Siyang kultura, wika ko’t pagkakakilanlan;
Sa bawat kwento ng bansa ko’t kasaysayan
Pag-ibig sa ‘king wika, hindi matatawaran.
Wikang Filipino bahagi na ng kasaysayan, Sa panahon ng pandemyang ito marapat na ipagyaman upang bawat mamamayan natin magkaroon ng bayanihan
Wikang humubog sa ating bansa, siya ring pag-asa sa panahon ng pandemya: kumalinga, umunawa, makiisa, magtiwala, lumago’t makibaka
Sa pandemyang nararanasan, pagtutulungan ay kailangan ngunit di magagampanan kung sa wikay walang nalalaman
Ang wika ay tanging daan, Tungo sa pagkakaunawaan
Hindi ka tunay na Filipino, Kung Sobrang Hina ng Pagpapahalaga mo sa Wikang Filipino
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kaibahan Ng Maikling Kwento Sa Ibang Gawang Panitikan