Mga Halimbawa Ng Tanka Tungkol Sa Pag-Ibig Na 57577 Ang Sukat
TANKA SA PAG-IBIG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang tanka at ang halimbawa ng mga ito tungkol sa pag-ibig.
Ang mga tanka ay isang uri ng tulang liriko na galing sa mga Hapon. Ito rin ay kilala sa tawag na “waka”. Maikli lamang ang mga awiting ito at karaniwang kinakanta sa saliw ng musika. Kadalasan ang mga paksa ng tanka ay tungkol sa pag-iibigan, kalikasan, pagkasawi, at ang pagsasama ng tao.
Bukod rito, ang karaniwang mga halimbawa ng tanka ay naglalaman ng tiyak na pantig sa bawat isa. Mayroong limang pantig sa unang linya, pito sa pangalawa, lima sa ikatatlo, at pito sa pang-apat at pang-lima.
Heto ang mga halimbawa tungkol sa Pag-Ibig:
itong pagibig
sayo lang nadarama
sayo lang bigay
pagibig ko na tapat
naway mahalin mo din
Ang pag-ibig ko
Ay para lamang sayo
Wala nang iba
Sana iyo’y madama
At mapasaakin ka.
Ikaw lang, sinta
Ang laman ng puso ko
Walang babago
Ikaw lamang at ako
Habang buhay na ito
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Gintong Bansi – Kahulugan At Halimbawa Nito