Tatlong Sangay Ng Pamahalaan: Anu Mga Ito?

Ano ang Tatlong Sangay Ng Pamahalaan?

Tatlong Sangay Ng Pamahalaan – Ang artikulong ito ay naglalayong ilahad ang mga sangay ng pamahalaan at ang kahulugan ng bawat isa.

Ang pamahalaan o gobyerno ang pangunahing nangangalaga sa kapakanan ng bawat mamayan. May responsibilidad ito na itaguyod kung ano ang nakabubuti sa nakararami at magpatupad ng batas at alituntunin para masigurado ang kapayapaan at ikauunlad ng bansa.

Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa at mayroon tatlong sangay ng pamahalaan dito.

tatlong sangay ng pamahalaan

Tagapagpaganap o Ehekutibo

Ito ay pinamumunuan ng pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng bansa at siya ang pangunahing tagapatupad ng batas na ginagawa ng Kongreso. Katulong niya ng ikalawang pangulo at ang kaniyang gabinete na namumuno sa mga kagawaran ng pamahalaan.

Tagapagbatas o Lehislatura

Sa ilalim ng sangay na ito nagmumula ang mga panukalang batas. Dito nagagawa at nababago ang batas sa pamamagitan ng Kongreso.

Ang Kongreso ay nahahati sa dalawa.

Senado – Ito ay tinatawag rin na mataas na kapulungan at ito ay binubuo ng 24 na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado.

Kapulungan ng Kinatawan – Ito ay tinatawag rin na mababang kapulungan. Higit sa 250 na kinatawan and bumubuo nito na pinamumunuan ng isang Speaker o Punong Kinatawan.

Panghuhukom o Hudisyal

Kinabibilangan ito ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema na binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at labing-apat na Kagawad na Hukom. Sila ang tinuturing na tagadisiplina.

Basahin din: Gamit Ng Salitang Akademiko: Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment