Ano ang kahulugan ng tayutay?
Ang artikulong ito ay naglalayon talakayan ang kahulugan ng tayutay, ang mga iba’t-ibang uri nito at mga halimbawa ng bawat uri.
Tayutay ang tawag sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Mga Uri
Pagtutulad – sa English, ito ay tinawatag na Simile. Ang uri na ito ay tumutukoy sa paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Dito ginagamit ang mga salitang pagtutulad gaya ng tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, at kagaya.
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang iyong pisngi ay namumula katulad ng mansanas.
- Nagsalita ako ng pasigaw kagaya ng kung paano ang tunog ng sirena.
Pagwawangis – Ito ay kagaya rin ng pagtutulad ngunit hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Sa English, ito ay tinatawag na Metaphor.
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang kamay niya ay nagyeyelo sa lamig dahil sa kaba.
- Mukhang maamong tupa ang bata pagkatapos niyang magmaktol.
Pagtatao – Ito ay tumutukoy pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay. Personification ang tawag nito sa English.
Halimbawa sa pangungusap:
- Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa pag-ihip ng malakas na hangin.
- Nilamon ng malaking alon ang maliit na bangka.
Paguyam – Ito ang tawag sa pangungutya o pangaasar sa tao o bagay. Sa English, ito ay tinatawag na Sarcasm o Irony.
Halimbawa sa pangungusap:
- Bilib talaga ako sa kasipagan mo, tatlong araw na nakatambak labahin mo.
- Hindi siya magagaliting tao, umuusok lang ilong niya kapag may hindi siya gusto.
Paglipat-wika – Sa ganitong uri ng tayutay, gumagamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang nakakatakot na imahe sa kwarto ang dahilan ng hindi niya pagtulog.
- Nagbigay ng matabang sobre ang ninong ko noong kaarawang ko.
Paglilipat-saklaw – Synecdoche ang tawag dito sa English. Ito ay ang pagbanggit sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa sa pangungusap:
- Dalawang ulo ang nag-isip para sa proyektong ito.
- Ang manliligaw ng ate ko ay hiningi ang kaniyang kamay sa aming mga magulang.
Pagtawag – Sa English, ang tawag dito ay Apostrophe at ito ay tumutukoy sa mga bagay na parang ikinausap sila.
Halimbawa sa pangungusap:
- Tukso, layuan mo ako!
- Matagal ko na na hinihintay na dumating ang pag-ibig sa aking buhay.
Tanong Retorikal – Sa pagsasalis sa English, ito ay Rhetorical Question o ang tanong na hindi nangangailangan ng sagot.
Halimbawa sa pangungusap:
- Kailangan ko pa bang isa-isahin ang dapat mong gawin?
- Hindi ko na ba masisilayan ang araw na yayaman ako?
Pagpapalit- tawag – Metonymy ang tawag dito sa English na ang kahulugan ay ang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
Halimbawa sa pangungusap:
- Tinuruan kami ng ang mga may maputing buhok ay dapat igalang
- Mas magiting ang panulat kaysa espada.
Panaramdam – Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin at ang tawag sa English nito ay Exclamatory.
Halimbawa sa pangungusap:
- Mahusay! Nagustuhan ko ang ginawa mo.
- Aba, nakakabasa na pala ako!
Tambisan – Sa uri na ito, pinagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita. Sa English, ito ay Antithesis.
Halimbawa sa pangungusap:
- Asahan mo ang magandang bagay, pero handa ka rin dapat sa masamang mangyayari.
- Ang pasenya o paggiging marunong mag-antay ay isang mabuting ugali, ngunit, sinasabi rin na ang oras ay ginto.
Paghihimig – Onomatopoeia ang tawag nito sa English na ang kahulugan ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Halimbawa sa pangungusap:
- Nainis si nanay sa aw-aw ng aso ng kapitbahay.
- Nagising ako sa tuktulaok ng manok.
Pag-uulit – Ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap. Ito ay Alliteration sa English.
Halimbawa sa pangungusap:
- Si Sandra ay sumasayaw sa silid-aralan.
- Kapit-kamay si Ken at Karding sa kalye kanina.
Pagtanggi – Litotes ito sa English at ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa sa pangungusap:
- Hindi ako nakatulog sa ingay.
- Hindi niya inaasahan ang sagot ko.
Salantunay – Sa English, ito ay tinatawag na Paradox na nangangahulugang pagpapahayag ng isang katotohanan na gamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
- Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
- Ang taong marangyang buhay ay salat sa mga totoong kaibigan
Pangitain – Imagery ang tawag nito sa English. Sa ganitong uri, napapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.
- Naiisip ko na maging maayos din ang kanilang pagsasama.
- Nakikita kong makakahanap siya ng tamang trabaho para sa kaniya.
Paghahalintulad – Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas. Analogy ang tawag nito sa English
- Ang bata ay nasa umaga ng kaniyang buhay at ang matanda naman ay nasa dapit-hapon na.
- Ang kaniyang tagumpay ang nagdala sa kaniya sa ulap, ngunit sa kaniyang kamalian ang nagbagsak sa kaniya sa lupa.