Ano Ang Mga Halimbawa Ng Teoryang Eksistensyalismo At Kahulugan Nito?
Teoryang Eksistensyalismo Kahulugan – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang tungkol sa teoryang eksistensyalismo at ang mga halimbawa nito.
Ang teorya ng eksistensyalismo ay maaaring maging pilosopikal na gabay at nakainpluwensya sa maraming mga manunulat. Ayon sa mga teoryang ito, ang lahat ng tao ay mayroong kakayahang pumili ng kanilang sariling kinabukasan. Ngunit, dapat nilang tanggapin ang mga hamon, panganib, at responsibilidad ng kanilang mga desisyon.
Bukod rito, ang teoryang eksistensyalismo ay mayroon ring iba’t-ibang katangian katulad ng:
- Hindi isang teoryang, kundi isang paniniwala
- maikukumpara sa realismo
- maihahalintulad sa modernismo
- Isinasaad ang katuturan ng pagiging isang tunay na tao sa kabila ng impluwensya ng mga socio- historical at socio-political na mga paksa
- walang sariling simulain
- maihahambing sa romantisismo
Ang Teoryang Eksistensiyalismo rin ay masasabi nating enterpretasyon ng buhay ng tao sa mundong kanyang kinabibilangan. Makikita rin dito ang mga problema ng at ang mga ginagawa nila upang ma solusyunan ito.
Ngunit, ang Teoryang ito ay nakasentro lamang sa ating mga utak at kaisipan. Ito ay dahil ang utak ang siyang nagsasabi sa atin kung ano ang disisyon na ating gagawin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Itaga Mo Sa Bato Kahulugan – Paliwanag Sa Salawikain