Ano Ang Mga Tungkulin Ng Pamilya Sa Edukasyon Ng Mga Kabataan? (Sagot)
TUNGKULIN NG PAMILYA SA EDUKASYON – Alam naman nating lahat na mahalaga ang edukasyon upang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan.
Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Subalit, kung hindi natututunan ang mga kabataan ng husto sa mga paaralan, paano na lamang ang susunod na mga henerasyon?
Dito pumapasok ang mga tungkulin ng pamilya sa mga estudyante. Hindi sabat na ang mga leksyon ay nasa paaralan lamang. Dapat, sa bahay pa lamang, ang pamilya ay nagtuturo na sa mga kabataan ng wastong asal.
Ito’y dahil ang unang paaralan ng isang bata ay ang kanyang tahanan. Ang mga magulang ay dapat tumuturo ng disiplina at respeto sa kanilang mga anak. Pero, dapat turuan rin nila itong makita kung ano ang tama at kung ano ang mali at kung paano dapat panindigan ang katotohanan.
Ito ang pangunahing tungkulin ng pamilya para sa isang estudyante, ang pag tuturo ng magandang asal. Ngunit, ating tandaan na isa rin sa mga mahalagang tungkulin ng pamilya ay ang pagbigay ng supporta sa kanilang estudyante. Ang kanilang edukasyon, lalo na sa panahon ng pandemya, ay napakahirap.
Kaya dapat ang isang pamilya ay magsisilbing gabay para sa mga kabataan. Sila ay dapat naroon para sa kanila kung sila ay “stressed” at malapit nang sumuko. Dahil sa katapusan ng araw, ang pamilya pa rin ang siyang tatakbuhan ng mga estudyante, kaya dapat nandun sila para makinig, magbigay ng payo, at makiramay sa kanilang nararamdaman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Trabahong Teknikal – Uri Ng Trabahong Teknikal