Philippines and Colombia’s Miss Universe 2016 bets.
Vying for Miss Universe 2016. Naging mainit ang kompetisyon sa nakaraang koronasyon ng Miss Universe 2015 lalong-lalo na sa pagitan ng Bb. Pilipinas-Universe Pia Alonzo Wurtzback at Miss Colombia Ariadna Gutierrez.
Naging kontrobersyal ang koronasyon ng bagong Miss Universe 2015 dahil sa maling pag-anunsyo ng pageant host na si Steve Harvey ng nanalo. Unang kinurunahan ang Miss Colombia bilang Miss Universe ngunit bumalik sa entablado si Harvey para itama ang kanyang pagkakamali.
Sa huli, umuwing suot ni Wurtzbach ang korona at titulo bilang ikatlong Pilipinang naging Miss Universe.
Tahimik na ang bawat kampo sa nangyari ngunit tila isa na namang mainit na kompetisyon ang masasaksihan ng buong mundo lalo na at kinoronahan na rin ang bagong Bb. Pilipinas-Universe na lalahok sa pinakaasam na Miss Universe title.
Bagamat pressure si Ma. Mika Maxine Medina na tapatan ang tagumpay ni Wurtzbach, gagawin raw niya ang lahat para maging proud ang mga pinoy.
Makakatapat din ni Medina ang pambato ng bansang Colombia na si Jealisse Andrea Tovar Velazquez sa naturang kompetisyon na gaganapin sa kahulihan nitong taon.
Uhaw ngayon ang bansang Colombia na makamit muli ang korona matapos sa muntikan nitong laban ngunit gusto rin ng bansang Pilipinas na makamit ang back-to-back win.
Ito ang pasilip sa dalawang kandidata mula sa dalawang bansang nagnanais na makuhang muli ang korona ng Miss Universe 2016.
Si Medina ay isang pageant first-timer na nagtagumpay na masungkit ang korona laban sa 39 pang ibang kandidata sa Bb. Pilipinas 2016 pageant. Isa din siyang designer at modelo.
Si Velazquez naman ay nag-aaral ng Industrial design at Photographic Image production.