A Facebook story about a disabled student named Kevin Payao gained the admiration and praises of netizens.
Despite his condition, he is striving hard by asking alms to suffice his needs and buy school supplies for school opening.
Here’s the post:
“Salute to this man.
His name is Kevin Payao ( I don’t know the exact spelling) Sumakay kami ng 62B papuntang Colon at sumakay siya(Kevin) sa sinasakyan namin. Sabi niya sa kunduktor, buti na lang daw at pinasakay siya kasi yung ibang mga Jeep hindi daw siya pinapasakay dahil sa kanyang physical condition. Impaired ang kanyang kanang kamay at dalawa niyan mga paa. Galing siya sa eskwelahan para magpa-enroll tapos tiningnan daw siya ng mga bata at sinabihan pa siya ng wag na lang daw siya mag-aral dahil sa kalagayan niya. Pero binalewala niya yun kasi may pangarap siya. Tinanong namin si Kevin kung anong grade na siya. Sabi niya grade 6 na daw siya ngayong paparating na pasukan. At simula grade 1, siya lang daw mag-isa ang nagpapaenroll. Tinanong din namin siya kung nasaan ang mga magulang niya, sabi niya wala na siyang papa tapos ang mama niya nasa kanila. Namamalimos siya malapit sa Sto. Rosario church PARA MAY PAMBILI NG NOTEBOOK AT PAGKAIN. Natouch kami sa kanyang mga sinabi. Sabi niya sinubukan daw siyang ipalaglag ng mama niya,kaya na rin siguro ganyan siya. Wala akong kapera-pera sa oras na yun, sabi ko sa kanya hahanapin ko siya sa Sto. Rosario at ako na ang bahala sa mga notebook niya. Tulungan po natin siya. Wala na din siyang sapatos para ngayong pasukan. Nakikita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niyang makapag-aral. Ni minsan hindi daw siya tumigil, kasi nagsisikap siya para makapagtapos.
To this man continue dreaming, reach your goals and don’t mind those people who discourage your goals. Balang-araw, magbubunga din lahat ng pinaghirapan mo. Thank you for inspiring us. Have faith ang God Bless You. See you around.”
Meanwhile, the post had gone viral on the social media, garnering mixed reactions from the netizens.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and updates on social media, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.